Para sa ibang gamit, tingnan ang siko (paglilinaw) at chico (paglilinaw) Ang tsiko o siko (Ingles: sapodilla) ay isang uri ng prutas at puno na may pangalang pang-agham na Manilkara zapota. Mahaba ang buhay ng punong ito na palagiang lunti ang mga dahon at nabubuhay sa mga tropikong lugar ng Bagong Mundo. Katutubo ito sa Mehiko at naipakilala sa Pilipinas noong kapanahunan ng kolonisasyong Kastila. Matamis ang bilog na bunga nito, na may mabuhok na balat at kulay kayumangging madilim.
Developed by StudentB